Monday, 7 October 2019
"ANG PANALANGIN ITO AY GINAWA KO PARA PO SA LAHAT NA TUMATAWAG AT SUMASAMPALATAYA NG TAPAT SA ATING DIYOS AMA NA DAKILA AT PANGINOON JESUS"
MONDAY OCTOBER 7, 2019
"ANG PANALANGIN ITO AY GINAWA KO PARA PO SA LAHAT NA TUMATAWAG AT SUMASAMPALATAYA NG TAPAT SA ATING DIYOS AMA NA DAKILA AT PANGINOON JESUS"
FATHER ALMIGHTY GOD AND LORD JESUS CHRIST,
AKO PO SI _____
Ay Humihiling at Nagsusumamo na pakinggan ang aking mga panalangin,
Lagi mo po akong gabayan sa Bawat Oras..Kasama ng mga Mahal ko sa Buhay..Huwag mo po kmi pababayaan..
Patawad po sa lahat ng aking pagkukulang at nagawang pagkakasala..
Linisin mopo ang aking Puso , Espirito at Kaluluwa, ng iyong Banal na Dugo, Panginoon Jesus,
Hayaan mo pong Manahan kayo sa aking Puso At Buong Buhay ko.
Ipinagdarasal korin po ang aking mga mahal sa Buhay, mga kaibigan , Maging ang mga kapatid O Sangkatauhan..
Patawarin mopo kami sa lahat ng aming mga kasalanan..Basbasan mopo ang Bawat isa sa amin ng Banal na Espirito Upang ang Presensya ng Diyos Ay Laging Sumaamin..
Puspusan mopo ng kabutihang loob o paggawa ng kabutihan sa lahat ng Bagay sa Aming Puso..
MAHAL NA PANGINOON JESUS, Tinatanggap Po kita Bilang aking Panginoon At Tagapagligtas..
Manirahan ka po sa Buhay ko at Manatili sa Aking Puso Magpakailanman..
Huwag mo po Mahal na Diyos Ama Hayaan panghinaan ako sa mga pagsubok na dumarating sa akin..Bagkus Bigyan mo ako ng Kalakasan upang Harapin ang mga pagsubok na dumarating sa Buhay ko,
At Lalo na patatagin ang aking Pananampalataya sa Iyo..
GaBayan mo po ako Mahal Na Diyos Ama at Panginoon Jesus sa lahat ng aking Desisyon sa Buhay..
Tanggalin mopo ang Galit sa aking Puso at palitan mo ng May pagpapakumbaba At Pagmamahal Sa Diyos At Maging sa Aking kapwa..
Panginoon Jesus ikaw na po Mgdesisyon sa Buhay ko..Ang kalooban nyo po Ama at Panginoon ang dapat lagi na masunod at Mangyari..
Marami pong Salamat Sa lahat Lahat Mahal na Diyos Ama At Panginoon Jesus,
Ikaw lamang po Ang aking Pupurihin, Sasambahin At Pasasalamatan Magpakailanman..
In Jesus Name..Amen
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment