Friday, 26 July 2019

THESE ALL PRAYERS ARE POWERFUL AND EFFECTIVE WITH THE HELP OF HOLY SPIRIT🙏

https://m.facebook.com/groups/1301693676579974?view=permalink&id=1451740164908657

FRIDAY, JULY 26, 2019


ANG MGA PANALANGIN NA PINAGSASAMA SAMA KO, MASASBI KONG NAPAKABISA KAPG ITO AY BINASA MO SA ARAW-ARAW...

PANLINIS NG IYONG KALULUWA, PANALANGIN PARA SA IYONG KAPWA, PROTECTION, PAGPUPURI AT PASASALAMAT SA DIYOS..

ANG MGA PANALANGIN NA ITO AY IBINULONG SA AKIN NG BANAL NA SPIRITO..

NASA INYO NA PO MGA KAPATID KUNG SUSUNDIN NYO RIN ANG PARAAN NG PANANALANGIN KO...

IDASAL PO ITO SA UMAGA BAGO GUMAWA NG MGA IBANG BAGAY,

AT SA GABI BAGO PO KAYO MATULOG AT PAGKATAPOS BIGKASIN ANG MGA PANALANGIN NA BANGGIT AY HUMILING SA DIYOS AT MAGPASALAMAT🙏

Sign of the Cross +
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.

JUAN 17

Ang Panalangin ng ating Panginoon Jesus para sa Sangkatauhan..

Chapter 17

 1Sinabi ni Jesus ang mga bagay na ito at tumingin siya sa langit at nagsabi: Ama, ang oras ay dumating na. Luwalhatiin mo ang iyong Anak at nang luwalhatiin ka rin naman ng Anak.



2 Binigyan mo siya ng kapamahalaan sa lahat ng tao upang siya ay magbigay ng buhay na walang hanggan. Siya ay magbibigay ng buhay na walang hanggan sa lahat ng ibinigay mo sa kaniya.


3 Ito ang buhay na walang hanggan: Ang makilala ka nila, ang tanging tunay na Diyos, at si Jesukristo na iyong sinugo.

 4 Niluwalhati kita sa daigdig. Tinapos ko ang gawaing ibinigay mo sa akin upang aking gawin.

5. Ngayon, Ama, luwalhatiin mo ako sa iyong sarili ng kaluwalhatiang taglay kong kasama ka bago pa likhain ang sanlibutan.

 6 Ipinahayag ko ang iyong pangalan sa mga taong ibinigay mo sa akin mula sa sanlibutan. Sila ay iyo at ibinigay mo sila sa akin. Tinupad nila ang iyong salita.


7 Ngayon ay alam nila na lahat ng mga bagay na ibinigay mo sa akin ay mula sa iyo.



8 Ibinigay ko sa kanila ang mga salitang ibinigay mo sa akin. Tinanggap nila ang mga ito. Tiyak ang pagkaalam nila na ako ay nagmula sa iyo. Sila ay sumampalataya na ikaw ang nagsugo sa akin.

9 Ipinapanalangin ko sila. Hindi ko ipinapanalangin ang sanlibutan kundi sila na ibinigay mo sa akin sapagkat sila ay iyo.



10 Ang lahat ng akin ay iyo at ang mga iyo ay akin. Ako ay naluluwalhati sa kanila.



11 Ngayon ay wala na ako sa sanlibutan ngunit sila ay nasa sanlibutan pa. Ako ay patungo sa iyo. Banal na Ama, ingatan mo sila sa iyong pangalan, sila na ibinigay mo sa akin. Ingatan mo sila upang sila ay maging isa tulad natin.

12  Nang ako ay kasama nila sa sanlibutan ay iningatan ko sila sa iyong pangalan. Ang mga ibinigay mo sa akin ay iningatan ko. Walang sinuman sa kanila ang nawala maliban sa kaniya na malilipol upang ang kasulatan ay matupad.

 13 Pupunta ako sa iyo ngayon. Ang mga bagay na ito ay sinasabi ko sa sanlibutan upang ang aking kagalakan ay mapuspos sa kanila.

14 Ibinigay ko sa kanila ang iyong salita. Sila ay kinapootan ng sanlibutan dahil sila ay hindi taga-sanlibutan, tulad ko rin na hindi taga-sanlibutan.

 15 Hindi ko idinadalangin na kunin mo sila sa sanlibutan kundi ingatan mo sila mula sa kaniya na masama.

16 Sila ay hindi taga-sanlibutan tulad ko na hindi taga-sanlibutan.

 17 Pakabanalin mo sila sa pamamagitan ng iyong katotohanan. Ang iyong salita ay katotohanan.


18 Kung papaanong sinugo mo ako sa san-libutan, gayon din naman, sinugo ko sila sa sanlibutan.



19 Para sa kanilang kapakanan pinababanal ko ang aking sarili upang sila ay maging banal din naman sa pamamagitan ng katotohanan.

 20 Hindi lamang sila ang aking mga idinadalangin. Idinadalangin ko rin naman ang mga sasampalataya sa akin sa pamamagitan ng salita nila.

 21 Idinadalangin ko na sila ay maging isa, Ama, tulad mo na sumasa akin at ako ay sumasa iyo. Idinadalangin ko na silang lahat ay maging isa sa atin, upang ang sanlibutan ay sumampalataya na ikaw ang nagsugo sa akin.

 22 Ang kaluwalhatian na ibinigay mo sa akin ay ibinigay ko sa kanila upang sila ay maging isa tulad natin na isa.


23 Ako ay nasa kanila at ikaw ay nasa akin upang sila ay maging ganap na isa at upang malaman ng sanlibutan na isinugo mo ako. Ito rin ay upang malaman nila na iniibig mo sila tulad ng pag-ibig mo sa akin.

 24 Ama, nais ko na ang mga ibinigay mo sa akin ay makasama ko sa kinaroroonan ko. Ito ay upang mamasdan nila ang aking kaluwalhatian na iyong ibinigay sa akin dahil iniibig mo na ako bago pa itinatag ang sanlibutan.

 25 Amang matuwid, hindi ka nakilala ng sanlibutan. Kilala kita at alam ng mga ito na ako ay sinugo mo.

26 Inihayag ko sa kanila ang iyong pangalan at ihahayag pa upang ang pag-ibig mo sa akin ay mapasa kanila at ako ay suma kanila.

PSALM 90

" PROTECTION PRAYERS"

1Panginoon, ikaw ay naging tahanang dako namin sa lahat ng sali't saling lahi.

2Bago nalabas ang mga bundok, O bago mo nilikha ang lupa at ang sanglibutan, mula nga ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan, ikaw ang Dios.

3Iyong pinapagiging kapahamakan ang tao; at iyong sinasabi, Magsipanumbalik kayo, kayong mga anak ng mga tao.

4Sapagka't isang libong taon sa iyong paningin ay parang kahapon lamang nang makaraan, at parang pagpupuyat sa gabi.

5Iyong dinadala sila na parang baha; sila'y parang pagkakatulog: sa kinaumagahan ay parang damo sila na tumutubo.

6Sa kinaumagahan ay namumulaklak at lumalago; sa kinahapunan ay pinuputol at natutuyo.

7Sapagka't kami ay nangasupok sa iyong galit, at sa iyong poot ay nangabagabag kami.

8Iyong inilagay ang aming kasamaan sa harap mo, ang aming lihim na mga kasalanan sa liwanag ng iyong mukha.

9Sapagka't lahat naming kaarawan ay dumaan sa iyong poot: aming niwawakasan ang aming mga taon na parang isang buntong hininga.

10Ang mga kaarawan ng aming mga taon ay pitong pung taon, o kung dahil sa kalakasan ay umaabot ng walong pung taon; gayon ma'y ang kanilang kapalaluan ay hirap at kapanglawan lamang; sapagka't madaling napapawi, at kami ay nagsisilipad.

11Sinong nakakaalam ng kapangyarihan ng iyong galit, at ng iyong poot ayon sa katakutan na marapat sa iyo?

12Kaya ituro mo sa amin ang pagbilang ng aming mga kaarawan, upang kami ay mangagtamo sa amin ng pusong may karunungan.

13Manumbalik ka, Oh Panginoon; hanggang kailan pa? At iyong papagsisihin ang tungkol sa mga lingkod mo.

14Oh busugin mo kami sa kinaumagahan ng iyong kagandahang-loob; upang kami ay mangagalak at mangatuwa sa lahat ng kaarawan namin.

15Pasayahin mo kami ayon sa mga kaarawan na iyong idinalamhati sa amin, at sa mga taon na aming ikinakita ng kasamaan.

16Mahayag nawa ang iyong gawa sa iyong mga lingkod, at ang kaluwalhatian mo sa kanilang mga anak.

17At sumaamin nawa ang kagandahan ng Panginoong aming Dios: at iyong itatag sa amin ang gawa ng aming mga kamay; Oo, ang gawa ng aming mga kamay ay itatag mo..

PSALMO 91

" AWIT NG PAGTITIWLA SA DIYOS "

<< Psalm 91 >

1 Siyang tumatahan sa lihim na dako ng Kataastaasan. Ay mananatili sa lilim ng Makapangyarihan sa lahat.

2 Aking sasabihin tungkol sa Panginoon, siya'y aking kanlungan at aking katibayan, ang Dios ko na siyang aking tinitiwalaan.

3 Sapagka't kaniyang ililigtas ka sa silo ng paninilo, at sa mapamuksang salot.

4 Kaniyang tatakpan ka ng kaniyang mga bagwis, at sa ilalim ng kaniyang mga pakpak ay manganganlong ka: ang kaniyang katotohanan ay kalasag at baluti.

5 Ikaw ay hindi matatakot sa kakilabutan sa gabi, ni sa pana man na humihilagpos kung araw;

6 Dahil sa salot na dumarating sa kadiliman, ni dahil sa paggiba man na sumisira sa katanghaliang tapat.

7 Isang libo ay mabubuwal sa iyong siping, at sangpung libo sa iyong kanan; nguni't hindi lalapit sa iyo.

8 Iyong mamamasdan lamang ng iyong mga mata, at iyong makikita ang ganti sa masama.

9 Sapagka't ikaw, Oh Panginoon, ay aking kanlungan! Iyong ginawa ang Kataastaasan na iyong tahanan;

10 Walang kasamaang mangyayari sa iyo, ni anomang salot ay lalapit sa iyong tolda.

11 Sapagka't siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo, upang ingatan ka sa lahat ng iyong mga lakad.

12 Kanilang dadalhin ka sa kanilang mga kamay, baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato.

13 Iyong yayapakan ang leon at ang ulupong: ang batang leon at ang ahas ay yuyurakan mo ng iyong mga paa.

14 Sapagka't kaniyang inilagak ang kaniyang pagibig sa akin, kaya't iniligtas ko siya: aking ilalagay siya sa mataas, sapagka't kaniyang naalaman ang pangalan ko.

15 Siya'y tatawag sa akin, at sasagutin ko siya; ako'y sasa kaniya sa kabagabagan: aking ililigtas siya, at pararangalan siya.

16 Aking bubusugin siya ng mahabang buhay, at ipakikita ko sa kaniya ang aking pagliligtas.

(Apostles Creed)

Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapanyayari sa lahat, na may gawa ng langit at lupa.

Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.

Nagkatawang-tao Siya lalang ng Espiritu Santo; ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.

Pinagpakasakit ni
Ponsio Pilato; ipinako sa krus, namatay at ibinaon. Nanaog sa mga impiyerno; nang may ikatlong araw
nabuhay na mag-uli.

Umakyat sa langit; naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyayari sa lahat.
Doon magmumula't pariritong huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao.

Sumasampalataya naman
ako sa Diyos Espiritu Santo, na may Santa Iglesya Katolika;

May kamsamahan ng mga Santo, may
ikawawala ng mga kasalanan; at mabubuhay na mag uli ang nangamatay na tao, at may buhay na walang
hanggan.Amen

(Our Father)

Ama namin, sumasa-langit Ka. Sambahin ang ngalan
Mo. Mapasa amin ang Kaharian Mo. Sundin ang loob Mo.

Dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw.

At patawarin Mo kami ng Aming mga sala, para nang pagpapatawad namin sa mg nagkakasala sa amin. At
huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso, at iadya Mo kami sa dilang masama.

SAPAGKAT SA IYO NAGMUMULA ANG KAHARIAN AT KALUWALHATIAN MAGPASAWALANG HANGGAN..AMEN

(Hail Mary)

Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo, bukod kang pinagpala sa
babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong Anak na si Jesus. Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo
kaming makasalanan, ngayon at kung kami y mamamatay.

(Glory Be)

Luwalhati sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo. Kapara nang sa una, gayon din ngayon at magpakilan
pa man sa walang hanggan. Siya nawa.

PAGSISISI

OH MAHAL NA PANGINOON JESUS,
AKO PO AY NAGKASALA AYUN SA IYONG KABUTIHANG WALANG HANGGAN.

AKO AY NAGSISISI NG BUONG PUSO AT NAGTITIKA NA DINA MULING MAGKAKASALA
SA TULONG NG IYONG MAHAL NA GRASYA
AMEN.

Oh Mahal na Diyos Ama at Panginoon JESUS Pawarin mo po kami sa Aming mga Pagkakasala;

Iligtas Mo kami sa Apoy ng Impyerno,
Hanguin Mo Ang Aming Kaluluwa sa
Purgatoryo Lalong lalo na po sa mga
Kapatid kong Naliligaw ng Landas...Amen

(Hail Holy Queen)

Aba Po Santa Mariang Hari, Ina ng Awa.

Ikaw ang kabuhayan at katamisan;

Aba pinananaligan ka namin.
Ikaw nga ang tinatawagan namin, pinapanaw na taong anak ni Eva.

Ikaw rin ang pinagbunbuntuhang
hininga namin ng aming pagtangis dini sa lupang bayang kahapis-hapis.

Ay aba, pintakasi ka namin, ilingon
mo sa amin, ipakita mo sa amin ang iyong Anak na si Hesus.

Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain, maalam
at matamis na Birhen.

V. Ipanalangin mo kami, Reyna ng kasantusantuhang Rosaryo.

R. Nang kami'y
maging dapat makinabang ng mga pangako ni Hesukristo..Amen

ANIMA CRISTI

Kaluluwa Ni Kristo ng Kaluwalhatian,
Suma-Akin nawa ang Kabanalanan Mo.
Katawan Ni Kristong Sinasamba
Maging Aking kaligtas,
Dugo Ni Kristong Iginagalang,
Dumaloy nawa sa aking mga Ugat

Tubig na Bumubukal sa tagiliran ni Kristong
Niluluwalhati,
Pawiin Nawa Ang Aking Dungis
Pawis sa Mukha ni Kristong Minamahal
Masangkap nawa sa aking kaanyuan;
Pagpapakasakit ni Kristong Lubos Ang
Kabutihan,
Kalingain mo po Ako at Kupkupin.

OH BANAL NA HESUS
sa Iyong mga Sugat akoy Itago,
Huwag mo po akong Hayaan
Mahiwalay Sa inyo Nang Maligtas sa mga
Kaaway

Tawagin mo ako kung aking Buhay
Ay Papanaw na;
Haring Nagbabago ng Buhay,
Mapabalik nawa ako sa iyong Piling kasama
Ang Mga Angeles at Archangeles,

Upang Umawit ng Walang Katapusang
Papuri sa Inyong Pangalan.
Ngayon at Magpakailanman
At Magpasa walang Hanggan
Kaluwalhatian...Amen

(Final Prayer)

Panalangin. Diyos at Panginoon namin,

Na ang bugtong na Anak Mo ay siyang ipinapagkamit namin ng

kagalinga't kabuhayang walang hanggan sa pamamagitan ng kanyang pagkakatawang-tao,

pagkamatay at
pagkabuhay na mag-uli; ipagkaloob Mo,

At makamtan namin ang mga kagalingang ipinangako sa
amin; alang-alang kay Hesukristong Panginoon namin; na kapisan Mo at ng Espiritu Santo nabubuhay at
naghahari magpasawalang hanggan. Siya nawa.

PAGKATAPOS NYO PONG DASALIN ANG SUNOD SUNOD NA TAIMTIM NA PAGDARASAL , MAAARI PO KAYONG HUMILING AYUN SA INYONG SARILING PANALANGIN AT PAGKATAPOS AY MAGPASALAMAT..🙏😇

No comments:

Post a Comment