Monday 16 December 2019

DEAR, GOD THANK YOU FOR EVERYTHING🙏








"ANG KASAGUTAN NG ATING DIYOS AMA NA DAKILA SA AKING PANALANGIN "

ABBA FATHER, Answered my Prayers Through my Dreams💓😇🙏

JUNE 25, 2018

This past few Days, Nagkaroon ako ng katanungan uli sa ating Diyos Ama kung Lahat Ba ng Ginagawa ko sa ngaun sa aking Buhay ay kalooban ba nya o kagustuhan ko lang..

Ako Ba ay Nasa Tamang Landas ba?..Dahil Ayaw ko Husgahan ako ng mga ibang kapatid natin mapanghusga,

GAYA NALANG NG MGA GINAGAMIT NI SATAN UPANG GUMAWA NG MASAMA O MAGSALITA NG HINDI MAGANDA SA KANYA KAPWA NA MINSAN MAY NAKAKAPASOK DITO SA PAGE NA NAGKUKUNWARI MAAMONG TUPA.

Humingi ako ng Signs at kasagutan sa aking panalangin at nag ask uli about sa aking misyon, kung Ano..? Ba talaga ang kalooban ng Diyos sa aking Buhay na dapat kong ipagpatuloy o huminto nalang at Harapin ang Sarili kong Buhay na Walang ibang Ginagabayan..

AT ITO ANG KASAGUTAN NG ATING DIYOS AMA SA AKING PANAGINIP..

Nagsimula ang aking Panaginip sa isang nagkakagulong mga tao,

May Isang lalake Hinuhusgahan, Sinasaktan, at kung ano-Ano masasakit na Salita ang Kanyang Natatanggap sa mga taong mapanghusga..

Dahil Ang Lalake ay malaking Kasalanan ang Nagawa nito sa lahat..

SIYA AY NAG RAPE NG MENOR EDAD, NAGNAKAW, PUMATAY, GUMAMIT  AT NAGTULAK NG DROGA AT IBA PANG KASALANAN LABAG SA MATA NG DIYOS.

Marami ang mga Nagreklamo sa kanya..Kulang nalang ay patayin nila upang Ang lahat ng nagawang kasalanan ng Lalake ay mapagbayaran nya..

Inilagay Siya sa isang Room na nakakadena at Wala ng lakas Dahil sa Pambubugbog na Ginawa sa kanya..

Habang Nagkakagulo ang lahat..Akoy Palihim na Pumasok Sa Room Kung Saan ang Lalake ay nakakulong...

NAKITA KO SIYA NAKA LUGMOK SA SAHIG HABANG ANG KANYANG KAMAY AY NAKAKADENA AT HINANG HINA..

Pagkakita ko sa kanya ako'y Nahabag, At Nagsalita ako ng Ganito...

" KAPATID, KAILAN KA HIHINGI NG TAWAD SA ATING DIYOS AMA AT PANGINOON JESUS,

TAWAGIN MO SIYA NGAUN DIN DAHIL MAS HIGIT MO SIYA KAILANGAN SA PINAGDADAAN MO..

BANGGITIN MO ANG BANAL NA PANGALAN NG ATING PANGINOON JESUS, SABIHIN MONG PATAWAD AT HUMINGI KA NG TULONG ILIGTAS KA,

IBIG MO BANG ITAPON KA SA DAGAT DAGATANG APOY AT DOON HABANG BUHAY NA HIHIYAW SA SAKIT NA MARARAMDAMAN INIT SA KATAWAN ".

Ang lalake ay Biglang Nanlisik ang mga mata at nag iba Ang Aura ng Mukha para siyang Sinaniban ng Demonyo at Ito ay Nagsalita..

" ANONG GINAGAWA MO DITO UMALIS KA, HINDI KITA KAILANGAN..WALANG DIYOS HINDI TOTOO ANG MGA SINASABI MO"

Ayan ang kasagutan ng lalake sa akin..Ngunit Hindi ako natinag sa kanya..

Humingi ako ng Tulong sa ating Diyos Ama at Panginoon Jesus na naway makinig sa akin ang lalake kya hindi ko siya Nilubayan..

Paulit - Ulit kong Sinasabi sa kanya ang Banal na pangalan ng Ating Panginoon Jesus.

Ganito ang aking Pagkakasabi..

KAPATID, HINDI AKO TITIGIL PARA PAALALAHANAN KA, HINDI AKO AALIS DITO HANGGANG HND MO SINUSUNOD ANG MGA SINASABI KO,

PAKAWALAN MO ANG GALIT SA IYONG PUSO, HUWAG MONG HAYAAN MANIRAHAN ANG DEMONYO SA BUHAY MO,

KAPATID, ISIPIN MO NLANG WLA NG PANAHON PARA HUMINGI NG TAWAD SA DIYOS ITO NA ANG ORAS,

NGAYON DIN HUMINGI KA NG TAWAD , TAWAGIN MO ANG PANGINOON JESUS.

NANDYAN SIYA SA IYONG PUSO AT PAPASUKIN MO, BUKSAN MO NG TULUYAN ANG PUSO MO NG MAGHARI ANG DIYOS SA BUHAY MO.."

Sa paulit ulit ko pagkakabanggit ng mga kataga na yan..Ang lalake nag iba ang mukha naging Isa siyang Bata..

Ang Edad ng Bata ay mga walong taon Gulang..ako ay nagtaka ngunit may Naalala ako sa isang Bible verse na Laging Pinapaalala sa atin ng Panginoon Jesus.

Mark 10:13-15

[13]And they brought young children to him, that he should touch them: and his disciples rebuked those that brought them.

At dinadala nila sa kaniya ang maliliit na bata, upang sila'y kaniyang hipuin: at sinaway sila ng mga alagad.

[14]But when Jesus saw it, he was much displeased, and said unto them, Suffer the little children to come unto me, and forbid them not: for of such is the kingdom of God.

Datapuwa't nang ito'y makita ni Jesus, ay nagdalang galit siya, at sinabi sa kanila, Pabayaan ninyong magsilapit sa akin ang maliliit na bata; huwag ninyo silang pagbawalan: sapagka't sa mga ganito nauukol ang kaharian ng Dios.

[15]Verily I say unto you, Whosoever shall not receive the kingdom of God as a little child, he shall not enter therein.

Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang sinomang hindi tumanggap ng kaharian ng Dios na tulad sa isang maliit na bata, ay hindi siya papasok doon sa anomang paraan.

"IBIGSABIHIN LAGI NATIN ALALAHANIN NA MAGING KATULAD TAYO NG ISANG BATANG PASLIT NA WALANG IBANG HANGAD AY MAKAPASOK SA KAHARIAN NG DIYOS, MGA BUSILAK ANG KANILANG PUSO AT ISIPAN "

Kayat Sinasabing Sikapin mo Ang iyong PUSO Ay Maging Tulad ng mga Bata.

Balik po tayo sa lalake na naging Bata, Ang mga Salita na Lumalabas sa Bata ay napaka malumanay at parang wlang alam sa Nangyayari sa kanya.

Tinanong nya ako kung paano magdasal, Tinuruan ko siya, Sinabi ko pumikit siya at magdasal ng taimtim nagmumula sa iyong Puso at Sundin ang aking Bibigkasin.

Mga Oras na un Nag iba ang lugar namin nasa marami kaming mga tao habng nakatapat ang aking kamay sa ulo nya at sabay siya sumsunod sa aking panalangin Dahil sa ang lalake naging Bata kaya ang panalangin na Binigkas ko ay Ganito.

" PAPA JESUS,  PATAWARIN MO PO AKO SA AKING MGA KASALANAN,

PUMASOK PO KAYO SA AKING PUSO AT MANIRAHAN SA BUHAY KO MAGPAKAILANMAN.

PAPA JESUS, KAILANGAN KOPO KAYO SA AKING BUHAY, PATAWAD PO SA LAHAT NG NAGAWA KONG PAGKAKASALA AT PAGKUKULANG..

PAKINGGAN MO PO AKO, LUBOS AKONG NAGSUSUMAMO SA INYO PATAWAD PO SA LAHAT NG AKING NAGAWA MGA KASALANAN..SALAMAT PO PAPA JESUS...AMEN

Habang Nagdarsal ang Lalake na naging Bata ay sobra ang iyak at Biglang NAGLIWANAG ANG KALANGITAN SA MGA ORAS NA UN AY MAGTATAKIP SILIM NA KYA MAPAPANSIN ANG LIWANAG NG KALANGITAN AT ANG SOBRANG LIWANAG AY TUMAPAT SA AMING KINAKATAYUAN NG BATA.

Lahat ng mga tao sa Amin ay Nakatingin na may pagtataka..mga ilang Segundo lang ay Dumilim na uli ang langit at nagbalik ang lahat sa kanilang mga ginagwa.

Akoy nagalak pati ang Lalake Dahil Naramdaman niya ang kasagutan ng Diyos Ama at Alam niya Pinatawad na siya sa kanyang mga kasalanan,
AT AKOY AY NAGISING.

ISANG PANAGINIP NA NAKADAGDAG SA AKIN NG INSPIRASYON UPANG MAS LALO KONG PAGBUTIHAN AT ITULOY ANG AKING MISYON SUNDIN ANG KALOOBAN NG DIYOS AMA NA DAKILA..SALAMAT PO AMA AT PANGINOON JESUS💓🙏💗

NAWA'Y MAY NAPULOT PO KAYO MAGANDANG ARAL MGA KAPATID SA AKING MATALINGHAGANG PANAGINIP..THANKS..
GODBLESS US🙏