Friday, 8 November 2019

ANG MENSAHE NI KRISTO HESUS PARA SA SANGKATAUHAN"

" ANG MENSAHE NI KRISTO JESUS NA ATING PANGINOON TAGAPAGLIGTAS SA SANGKATAUHAN "

"ANAK, KUNG SA AKALA MO HINDI KO NABABATID ANG IYONG MGA HINAGPIS AT PASAKIT SA SANGLIBUTAN,

IKA'Y NAGKAKAMALI, SA BAWAT PATAK NG IYONG MGA LUHA AT HIRAP AY DOBLE ANG PASAKIT NA NADARAMA NG ATING DIYOS AMA NA DAKILA😒

ANAK, BAKIT?NAPAKAHIRAP PARA SA IYO SABIHIN SA AKIN ANG IYONG MGA PROBLEMA,

ALAM MO BA?..

SA TUWING IKAW NAGDURUSA AT SASABIHIN MONG ANG SALITANG PAGKITIL O PAGBAWI NG IYONG BUHAY,

AKO'Y NALULUMBAY DAHIL NADARAMA KO ANG PAGKAKAROON NG PUWANG NA GALIT SA IYONG PUSO..

NA MAGDUDULOT NG PAGLAYO MO SA AKIN,

KAYA HUWAG MAGTAKA KUNG HINDI MO NARIRINIG ANG BAWAT BULONG AT KASAGUTAN KO SA IYONG MGA PANALANGIN..

DAHIL PUNO NA NG GALIT SA IYONG PUSO AT PAGKATAO,

AT HINDI MO BA ALAM NA SA TUWING SASABIHIN MO ANG PAGKITIL SA IYONG SARILI O PAGPAPATIWAKAL AY NAGAGALAK SI SATAN O ANG MGA DEMONYO,

NASAN NA ANAK KO,

ANG PANANAMPALATAYA MO SA AKIN AT PINANGHIHINAAN KANA AGAD NG LOOB. πŸ˜”

LAGING TANDAAN ANAK, SA BAWAT INIISIP AT BUKA NG IYONG BIBIG AY NATATALOS KO MULA SA KAIBUTURAN NG IYONG PUSO'T KALULUWA,

AT TANDAAN NA LAGING MAG-INGAT SA BAWAT SALITA NA LUMALABAS SA IYONG BIBIG..

HINDI MO BA NABABATID, HINDI LAMANG IKAW ANG NAKAKARINIG NG IYONG MGA SINASABI KUNDI MAGING ANG KAMPON NG KADILIMAN,

HAHAYAAN MOBA SILA? NA PUMALIT SA LUGAR KO DIYAN SA IYONG BUSILAK NA PUSO πŸ’—

HUWAG KA SANANG MAWALAN NG PAG-ASA ANAK!

"AKO'Y PANGINOON MONG DIYOS NA NAGTUBOS NG PAGKAKASALA SA SANGLIBUTAN TAPOS NA ANG PAGDURUSA NA INYONG KINAKAHARAP...

ANG NARARANASAN MO NGAYON AY PAGLALAKBAY PATUNGO SA BAGONG PARAISO NA AKING INIHANDA, PARA SA MGA ANAK NG DIYOS NA NANATILING TAPAT AT SUMASAMPLATAYA .

TAWAGIN MO LAMANG AKO, SA IYONG PAGLALAKBAY, 

SASAMAHAN KITA AT IILAWAN KA,

AKO ANG ILAW NG SANLIBUTAN, ANG SINUMAN MANATILI SA AKIN NA KASABAY KO SA PAGLALAKBAY AY HINDI MALILIGAW KAHIT KAILANMAN..

ITUTURO KO SA IYO ANG TAMANG DAAN AT IHAHATID KITA SA ATING DIYOS AMA,

KUMAPIT KA LANG SA AKIN AT HUWAG KANG BIBITAW,

IBIGAY MO SA AKIN ANG PAGPAPASYA SA IYONG BUHAY...

AT IPAPARAMDAM KO SA IYO ANG KALIGAYAHAN KASAMA KO.

NALALAPIT NA ANG KATAPUSAN NG PAGHIHIRAP AT PAGDURUSA,

ANAK, KAUNTING TIIS NALANG MALAPIT NA ANG AKING MULING PAGBABALIK,

" MALAPIT KONA KAYO SUNDUIN UPANG ISAMA KO  SA BAGONG JERUSALEM NA AKING HANDOG SA MGA ANAK NG DIYOS NA TINAGGAP AKO BILANG PANGINOON AT TAGAPAGLITAS MO. "

MANATILING GISING SA PANANAMPALATAYA NG TAIMTIM SA ATING DIYOS AMA NA DAKILA,

ANG PAGHINGI NG KAPATAWARAN AT PAGGAWA NG KABUTIHAN SA KAPWA,

ANG LAGING PAGTAWAG SA BANAL KONG PANGALAN AT TINATALIKDAN ANG PAGGAWA NG MASAMA,

ASAHAN AT TANDAAN ANG AKING PANGAKO SA INYO,

GAGANTIMPALAAN KO KAYO, IBIBIGAY KO ANG BUHAY NA WALANG HANGGAN AT KALUWALHATIAN ,

DAHIL NAIBIGAY NA ITO NG ATING DIYOS AMA NA DAKILA SA AKIN,

KAYA'T AKO NAMAN ANG TUTUPAD SA AKING INIWAN NA PANGAKO SA SANGKATAUHAN,

MAGALAK SA MGA PAGDURUSA O PIGHATI SA IYONG BUHAY DAHIL NALALAPIT NA ANG PAGKAMIT SA KALIGAYAHAN WALANG HANGGAN KASAMA KO AT ANG DIYOS AMA DAKILA MAGPAKAILANMAN " πŸ™

πŸ’— LORD CHRIST JESUS πŸ’—